Wednesday, November 24, 2010

TUTTI FRUTTY SALAD


TUTTI FRUITY SALAD
Tayo ay may kanya-kanyang paboritong pagkain na siguradong ikakasaya mo pag ito ay iyong natikman. Ang paborito kong pagkain ay ang Fruit Salad. Ang Fruit Salad ay maraming sangkap na napakasarap at masustansya.

Di ko maitatago na sa una palang ay paborito ko na ang panghimagas na ito. Sa unang tingin palang ay mabubusog na ang iyong mata at matatakam sa sarap nito. Ang mga nilalaman nito ay mga prutas na makakabuti para sa ating kalusugan. Ang iba’t-ibang prutas ay pinagsasama upang makabuo ng napakasarap ng panghimagas. Bawat isa ay may kanya-kanyang lasa. Ang mga sangkap nito ay fruit cocktail, buko, nata de coco, kaong, at gatas. Mga sangkap palang siguradong hindi ka magsisi kapag iyo nang tinikman. Paghahalo-haluin ito at makakabuo na ng paborito ko na Fruit Salad. Matrabaho nga lang ang paggawa ng Fruit Salad pero hinding-hindi ka magsisi sa kalalabasan dahil makakalimutan mo ang iyong pangalan sa sarap. Hindi mawawala ang Fruit Salad sa Pasko. Laging mayroon ito sa hapagkainan. Karaniwang ginagawa ito kapag may mga handaan na espesyal. Masarap ito kapag napakalamig na inihanda at galing pa sa freezer.

   Para sakin ang Fruit Salad ay isa sa mga paborito ko na pagkain na siguradong hindi ko pagsisihan na aking ito natikman. Sana kayo rin ay magustuhan ang lasa nito. Masustansiya na masarap pa! San ka pa?
                                                                                               *Angeline Dulay:D

Saturday, November 20, 2010

SPAGHETTI





Spaghetti

Ang aking paboritong pagkain ay spaghetti. Ito ay sobrang sarap at pwedeng kainin ng matatanda at bata. Bukod sa ito’y masustansya na, marami pang iba’t- ibang luto and puwedeng gawin dito. Ito ay babagay sa panlasa ng lahat ng tao. Ito ay puwede sa lahat ng okasyon katulad ng binyag, kasal at kaarawan. Pero ang pinaka paborito ko ay ang spaghetti na luto ng aking nanay. Ito ay nakasanayan ko ng kainin dahil isa ito sa mga paboritong lutuin sa mga mahahalagang okasyon. Ito din ay itinuro na niya saaking lutuin. Ito ay madaling kainin hindi katulad ng ibang pagkain.

Ang lasa nito ay puwedeng mag iba-iba depende sa sangkap na inilagay dito. Ang karaniwang inilalagay dito ay spaghetti noodles, tubig, tomato sauce, asukal, paminta, asin, siling prasko, bawang, sibuyas, hotdog at keso. Pero puwede din itong lagyan ng mga lamang dagat katulad ng hipon at tahong. Minsan ito ay ginagamitan ng puting sauce at ang lasa nito ay medyo may timpla ng gatas. Meron din naming spaghetti na manamisnamis ang lasa na talaga namang paborito ng mga bata.

Ito ay masustansya dahil ang sangkap nito ay madaming carotene, carbohydrates, protein, lycopene at marami pang iba. Pero nananaig ang lycopene dahil ito ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kutis. Maraming tindahan at restawran ang nagtitinda ng spaghetti. Ang presyo ay tatakbo sa P25.00 hanggang P70.00, hindi ba’t mura lang? Makakakain ka na ng masarap sa murang presyo lang. Kung gusto naman ng mga mamimili sa isang sosyal na lugar kumain ang presyo ay aabot hanggang P250.00.

Madali lang makabili ng spaghetti lalo ngayon na nagkalat na ang mga fast food chains tulad ng McDonalds, Jollibee at Wendy’s. Kapag kumakain ako ng spaghetti pakiramdam ko ay ayaw ko ng tumigil at kaya kong mabuhay na ito lang ang kakainin.

 Patricia Louise L. Luat