Spaghetti
Ang aking paboritong pagkain ay spaghetti. Ito ay sobrang sarap at pwedeng kainin ng matatanda at bata. Bukod sa ito’y masustansya na, marami pang iba’t- ibang luto and puwedeng gawin dito. Ito ay babagay sa panlasa ng lahat ng tao. Ito ay puwede sa lahat ng okasyon katulad ng binyag, kasal at kaarawan. Pero ang pinaka paborito ko ay ang spaghetti na luto ng aking nanay. Ito ay nakasanayan ko ng kainin dahil isa ito sa mga paboritong lutuin sa mga mahahalagang okasyon. Ito din ay itinuro na niya saaking lutuin. Ito ay madaling kainin hindi katulad ng ibang pagkain.
Ang lasa nito ay puwedeng mag iba-iba depende sa sangkap na inilagay dito. Ang karaniwang inilalagay dito ay spaghetti noodles, tubig, tomato sauce, asukal, paminta, asin, siling prasko, bawang, sibuyas, hotdog at keso. Pero puwede din itong lagyan ng mga lamang dagat katulad ng hipon at tahong. Minsan ito ay ginagamitan ng puting sauce at ang lasa nito ay medyo may timpla ng gatas. Meron din naming spaghetti na manamisnamis ang lasa na talaga namang paborito ng mga bata.
Ito ay masustansya dahil ang sangkap nito ay madaming carotene, carbohydrates, protein, lycopene at marami pang iba. Pero nananaig ang lycopene dahil ito ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kutis. Maraming tindahan at restawran ang nagtitinda ng spaghetti. Ang presyo ay tatakbo sa P25.00 hanggang P70.00, hindi ba’t mura lang? Makakakain ka na ng masarap sa murang presyo lang. Kung gusto naman ng mga mamimili sa isang sosyal na lugar kumain ang presyo ay aabot hanggang P250.00.
Madali lang makabili ng spaghetti lalo ngayon na nagkalat na ang mga fast food chains tulad ng McDonalds, Jollibee at Wendy’s. Kapag kumakain ako ng spaghetti pakiramdam ko ay ayaw ko ng tumigil at kaya kong mabuhay na ito lang ang kakainin.
Patricia Louise L. Luat
Tama, Masarap nga ito at madaling hanapin. At ito'y mas masarap lalo na kapag kasama mong kumakain ang iyong pamilya o kaibigan.
ReplyDelete-con:)
I agree! Napakasarap ng Spaghetti! Naniniwala akong sa bawat birthday party ay hindi mawawala ang Spaghetti. :D
ReplyDeletewow...masarap talaga ang spaghetti.. :)
ReplyDeletepaborito ko din ito ;)
Masarap yan :D isa rin yan sa mga paborito ko!
ReplyDelete-Cheska
paborito ko rin toh! lalo na yung may hotdos at mushrooms..:D
ReplyDeleteooh lala! gusto ko tuloy ng spaghetti! hahaha pero ang sa mga fast food ay di na ganon kasarap. -koko
ReplyDeleteMahilig ako dito, lalo na kapag Pasko. :-) Hehe! Maraming tao ang may hilig din dito, bata man o matanda. Swak sa budget at masustansya pa. :-)
ReplyDeletespaghetti is my favorite food evaaarrrr! ♥
ReplyDeleteKapag nga naman luto ng nanay ay nagiging paborito natin. Masarap ang spaghetti sa kahit anong okasyon, at marami tayong benepisyong nakukuha dito, tulad ng nasabi mo.:)
ReplyDelete-Renz
Kakaiba talaga ang sarap ng Spaghetti hindi ba? Anu ba yan. Ako'y nagutom Tureng! Haha
ReplyDeletewow! isa rin ito sa aking paborito. Para sakin, mas masarap ito pag maramins sauce
ReplyDelete- cams :]]
WOAH! Spaghetti, paboritong handa pag may Birthday! Nakakagutom tuloy! :)) :-bd
ReplyDelete-Inah <3
Spaghetti din ang isa sa mga paborito kong kainin. :) hilig din ng mama ko na magluto niyan. :DD
ReplyDeleteSuper favorite mo naman talaga yung Spag no? Haha. The best yung Spag sa Jabee. :D
ReplyDeletemasarap talaga yan. :D
ReplyDeletenagpagawa ako nian sa crush ko. hehe
ibibigay nia sakin sa thursday.
SHARE LANG. :P
Wow! Sarap naman niyan. Penge! :)
ReplyDelete-Louise<3
tunay nga namang masarap ang spagetti..lalo na kapag may kasama itong garlic bread sa tabi. kapag ako ay gumagawa ng spagetti, gusto ko ito ay maasim para matikman talaga and tomato.:)-kimpie
ReplyDeleteMasarap talaga ang spaghetti! Lalo na pag may birthday! Yun ang pinakaunang hinahanap! :)) Paano ba naman kasi, malinamnam! Spaghetti pababa, Spaghetti pataas :D Magaling! :D -megan
ReplyDeleteMasarap talaga ang spaghetti lalo na kung malasang-malasa ang sauce nito at hindi mukhang maputla. ;)
ReplyDeleteNAPAKASARAP! :)) Paborito ko ang tamis-anghang na lasa nito na lagi naming handa pag may okasyon, para kaming mga bata :) MAHUSAY :D
ReplyDeletemalinamnam ang spaghetti... ito ang pagkain na hindi ko kayang hindian:D
ReplyDeleteMasarap talaga ito. Lalo na kung pagyayamanin pang lalo sa sahog. Hmmmm nagutom tuloy ako ng di oras sa iyong blog. Magaling Bb. Luat! :p
ReplyDeleteMasarap talaga ang spaghetti lalo na kapag maraming halo at tsaka hindi yan mawawala sa hapag kainan lalo na kung Children's Party. ^_^
ReplyDeleteTunay na isa sa One of the Most Cherished Foods.
hilig ko din yan :) masarap talaga ang spaghetti at hindi pwedeng mawala sa mga handaan :)
ReplyDeletemarj :)